Recent Blog

Home » Remittance & Market Insights » Bakit Ba Pabago-Bago Ang Exchange Rates? Kuya BC’s Guide

Bakit Ba Pabago-Bago Ang Exchange Rates? Kuya BC’s Guide

Posted Jun 15, 2026
BCRemit graphic showing a woman checking her phone beside an exchange rate chart, with the text “Bakit Ba Pabago-Bago Ang Exchange Rates?”

Part na talaga ng routine bago ang usual transfer money from UK to the Philippines (or from other countries): check muna ang phone para makita kung mataas ang rate ngayon o kailangang mag-antay pa ng ilang araw. For sure, naranasan mo na yung manghinayang kasi ang ganda ng palitan kahapon, pero pagdating ng araw ng sweldo mo, biglang bumaba ng ilang sentimo.

Para sa mga nagtatrabaho sa abroad, bawat sentimo ay may value. Ang maliit na pagbabago sa conversion rate ay pwedeng maging katumbas ng ilang kilong bigas, pambayad sa electricity bills, o dagdag sa baon ng anak mo sa eskwelahan sa Pinas. Kaya naman ang tanong ng marami: Bakit nga ba pabago-bago ang palitan kapag nagpapadala ng pera sa Pilipinas? Sino ba ang nagdidikta nito?

Wag mag-alala! BCRemit is here to explain. Tara, tignan natin bakit nagbabago ang rates at anong pwede mong gawin.

1. Ang Rates Ay Apektado Ng Supply and Demand

Sa pinakasimpleng paliwanag, ang pera ng isang bansa ay parang produkto sa palengke. The more people who want to buy something na medyo konti ang supply, the more na tataas presyo nito. Ganyan din ang pera. Pag mas maraming foreigners na mamumuhunan ang gustong bumili ng Philippine Peso (PHP) para magnegosyo sa bansa, o kapag sabay-sabay ang dagsa ng padala ng mga kabayan tuwing peak seasons, tumataas ang demand sa piso.

Result? Lumalakas ang PHP laban sa foreign currencies tulad ng British Pound (GBP).

On the other hand, kung medyo mahina ang interes ng foreign investors o mas pinipili ng mga tao na humawak ng Pounds o US Dollars dahil mas stable ang ekonomiya ng mga bansas na ito, bumababa ang demand sa piso at humihina ang palitan nito. Ang patuloy na labanan na ito ng supply at demand ang pangunahing dahilan kung bakit gumagalaw ang BC remit exchange rate today.

2. Ekonomiya at Inflation Rates: Ang Lakas ng Purchasing Power

Ang lagay ng ekonomiya ng parehong bansa (ang source na UK at ang receiver na ang Pilipinas) ay may malaking epekto sa palitan. Isang mahalagang aspeto rito ay ang tinatawag na inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kung ang isang bansa ay nakakaranas ng mataas na inflation, ibig sabihin bumababa ang halaga o purchasing power ng kanilang pera. Ang mga bansa na may mas mababang inflation rate ay madalas na nakikita na may mas malakas at stable na currency value. Kaya kapag nag-search ka para sa BCremit rate today, ang numerong nakikita mo ay repleksyon din ng stability ng ekonomiya ng UK kumpara sa sitwasyon ng merkado sa Pilipinas.

3. Interest Rates ng Central Banks = Affects Investors

Ang mga central banks gaya ng Bank of England sa UK at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay may kapangyarihan na magtaas o magbaba ng interest rates upang kontrolin ang takbo ng kanilang ekonomiya. Ang interest rate na ito ay parang magnet para sa mga foreign investors.

Kapag nagtaas ng interest rate ang UK, mas attractive ito sa mga investors dahil mas malaki ang kikitain ng kanilang mga pamumuhunan doon. Dahil dito, mas maraming pondo ang pumapasok sa UK, tumataas ang demand sa Pound, at lumalakas ang halaga nito.

Ibig sabihin, mas mataas ang makukuha mong piso para sa bawat Pound mo kapag nagpadala ka sa iyong pamilya.

4. Ang Pagkakaiba ng Remittance and Payment Systems

Kapag nagpaplano kang mag-transfer ng pondo, mahalagang malaman na ang pinal na halagang natatanggap ng iyong pamilya ay hindi lang nakadepende sa international commerce. May kinalaman din ang sistema ng kumpanyang ginagamit mo. Dito pumapasok ang difference between remittance and payment platform models.

  • Traditional Payment Networks: Ang mga malalaking bangko at tradisyunal na wire services ay madalas na gumagamit ng mga lumang network. Dahil marami silang pinagdadaanang middleman o intermediary banks, nagpapatong-patong ang fees at madalas na binabawasan nila ang exchange rate upang kumita pa ng ekstra.
  • Modern Remittance Infrastructure: Ang mga makabagong digital platforms ay direktang nakakonekta sa mga financial institutions at e-wallets sa Pilipinas. Dahil tinanggal ang mga hindi kinakailangang middleman, nagiging mas mabilis ang proseso at naibibigay sa iyo ang mas tapat at mataas na halaga.

Ang pag-unawa sa sistemang ito ang nagtutulak sa mga matatalinong OFW na piliin ang mga platforms na may direct-to-bank at direct-to-wallet capabilities upang masigurong walang bawas ang kanilang pinagpaguran.

Paano Makukuha ang Pinakamataas na Palitan?

Bilang isang OFW remitter, hindi mo kontrolado ang economy ng buong mundo…pero kontrolado mo kung paano at kailan mo ipapadala ang iyong pondo. Try these tips out:

  1. Watch the Trends: Huwag magpadala nang biglaan kung hindi naman emergency. Sanayin ang sarili na silipin ang BC Remit UK platform to see the rate changes from time to time for your usual remitted amount.
  2. Watch for Major Economic Announcements: Ang mga exchange rates ay mabilis magbago dahil sa inflation reports, jobs data, elections, at major political news. Bantayan ang balita kasi pag maraming nangyayari, pabago-bago ang rates at baka mas okay muna mag-compare bago mag-remit.
  3. Avoid Hidden Margins: Maraming kumpanya ang mag-aalok ng “zero fees” ngunit napakababa naman ng ibinibigay na palitan. Laging tingnan ang kabuuang halaga (Total Landing Amount) na matatanggap ng pamilya mo sa Pilipinas.

Sulit, Tapat, at Maaasahang Palitan Kasama ang BCRemit

Ang pagpili ng tamang partner ay ang pinakamahalagang hakbang upang hindi masayang ang bawat sentimo ng iyong kinita. Kung naghahanap ka ng platform na nagbibigay ng sagad sa taas na exchange rates nang walang nakatagong charges, ang BCRemit ang perpektong katuwang para sa iyo.

We have competitive rates, send your money to the Philippines from the UK, US, CA, and EU securely, and make sure it gets there quickly. Wag ka na magpaiwan sa traditional remittance services na kailangan pang puntahan ang physical branch. Madali lang i-try ang aming modern remittance and payment app. Just download ang BCRemit app ngayon sa iyong smartphone upang makita ang BC remit exchange rate at pumili ng tamang oras mag-remit.

Before you send, compare the latest rate, fees, and delivery options with BCRemit!

Subscribe to our Newsletter

Our Global Presence

US Office: View on Map📍 UK Office: View on Map
Note: All of our services are available online, providing you with the flexibility to access them from anywhere in the world.

🌐 Online Services Available Open 24/7

  • Sunday: Open 24 hours
  • Monday: Open 24 hours
  • Tuesday: Open 24 hours
  • Wednesday: Open 24 hours
  • Thursday: Open 24 hours
  • Friday: Open 24 hours
  • Saturday: Open 24 hours

Driving Directions

premium bootstrap themes

Share This Blog with Your Friends!