Recent Blog
How to Say “No”: Setting Financial Boundaries Without The Guilt
Isa sa mga pinakamalaking sakripisyo ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay ang distansya. Emotional distance, physical distance…lahat ng hirap, pagod, and lungkot sa ibang bansa, tinitiis dahal sa isang malaking pangarap: ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya.
But dahil madalas ikaw ang primary provider ng pamilya mo, may isa kang mabigat na katotohana rin na madalas ay nagiging sanhi ng matinding stress at pagkaubos ng iyong ipon—ang bansag na ikaw ang “Walking ATM” ng buong angkan.
It’s funny (sometimes). And in our culture, family is everything. Normal talaga na magtulungan, lalo na kapag may nangangailangan. Pero minsan, nagkakaroon ng maling mindset ang mga naiwan sa Pilipinas. Akala nila, dahil ikaw ay kumikita ng Dollars, Pounds, o Euros, ay walang katapusan ang daloy ng pera sa iyo.
Nakakalimutan nila na ikaw din ay may mga bayarin dyan sa abroad—renta, pamasahe, pagkain, at buwis. Nag-aalala ka rin sa mga remittance scam or remittance fraud na nagtatarget sa mga OFW who remit money to the Philippines online. Higit sa lahat, kailangan mo ring mag-ipon para sa sarili mong kinabukasan o retirement.
Kapag hindi ka nagtakda ng limitasyon, mauuwi ito sa sitwasyon kung saan pagod na pagod ka na sa pagtatrabaho ngunit zero pa rin ang ipon mo. At kapag sinubukan mong tumanggi, lalamunin ka naman ng “utang na loob” at matinding guilt, na para bang ikaw ay nagiging masamang anak, kapatid, o kamag-anak. Paano mo nga ba sasabihin ang salitang “No” nang hindi nagiging bastos? Paano magtatakda ng financial boundaries nang may respeto at walang guilt?
1. Baguhin ang Mindset: Ang Pag-set ng Boundary ay Pagmamahal
Bago mo kausapin ang pamilya mo, kailangan mo munang ayusun ang sarili mong pananaw. Ang pagtanggi sa mga hindi importanteng hiling ay hindi kapagotan ng puso o kawalan ng utang na loob. Ito ay isang paraan ng proteksyon para sa iyo at para din sa kanila.
Isipin mo ang babala sa eroplano tuwing may emergency: kailangan mo munang isuot ang sarili mong oxygen mask bago mo tulungan ang iba. Kung patuloy mong ibibigay ang lahat ng kinikita mo nang walang natitira sa iyo, paano kung ikaw naman ang magkasakit o mawalan ng trabaho sa abroad? Sino ang sasalo sa iyo? Ang pagse-set ng boundary ay nagsisigurong mananatili kang matatag financially upang patuloy silang masuportahan sa pangmatagalang panahon.
2. Magtakda ng Fixed Monthly Remittance Limit
Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang “biglaang hiling” ay ang pagtatakda ng isang clear and fixed monthly budget. Kausapin ang pamilya nang maayos at ipaliwanag kung magkano lang ang kaya mong ipadala buwan-buwan base sa iyong net income matapos ibawas ang iyong sariling expenses at personal savings target.
Narito ang mga polite, respectful, ngunit matatag na scripts na maaari mong gamitin sa iba’t ibang sitwasyon:
Para sa Magulang o Asawa (Monthly Budget Setup): “Nay, Tay / Ma, pagkatapos kong kuwentahin ang aking mga fixed expenses dito tulad ng renta, pagkain, at insurance, ang fix na halaga na kaya kong ipadala buwan-buwan para sa bahay ay [Halaga]. Ginawa ko po itong selyado para makasiguro rin ako na may naitatabi ako para sa emergency fund natin at para sa pag-uwi ko balang araw. Sana po ay matulungan ninyo akong i-budget ito para magkasya sa mga pangunahing pangangailangan natin.”
Para sa Kamag-anak na Humihiram para sa Luho o Hindi Emergency: “Tita/Tito/Kapatid, Pasensya na po talaga, gusto ko man kayong tulungan sa [hiling na bagay], ngunit sagad po ang budget ko ngayon. Ang ipinapadala ko po sa Pilipinas ay nakalaan na buong-buo para sa pagkain, gamot, at pag-aaral ng mga bata. Wala po akong extra sa ngayon dahil nag-iipon din po ako para sa seguridad ng aking trabaho rito.”
3. Gumamit ng Direct Utility Bill Payments (Iwas-Diskarte)
Isa sa mga karaniwang idinadaing ng mga OFW ay ang sitwasyon kung saan ang perang ipinadala mo na nakalaan sana para sa kuryente, tubig, o tuition ng bata ay nagagamit sa ibang bagay—gaya ng handaan, pagbili ng gadgets, o pautang sa ibang tao. Pagdating ng katapusan ng buwan, hihingi ulit sila sa iyo dahil mapuputulan sila ng linya.
Para maiwasan ang ganitong stress nang hindi mo kailangang makipag-away, baguhin ang paraan ng pagpapadala. Sa halip na ibigay ang buong pera bilang cash, gamitin ang direct-to-biller o direct-to-wallet transactions.
Maaari mong sabihin sa kanila nang maayos: “Para hindi na kayo mapagod pumila sa labas at para mas mabilis, ako na ang direktang magbabayad ng kuryente (Meralco), internet, at tuition online mula rito.” Sa paraang ito, nakakasiguro ka na ang iyong pinaghirapang pera ay dumidiretso sa mga totoong necessities, at naiiwasan ang tinatawag na “accidental spending” o maling diskarte ng mga naiwan sa Pinas.
4. Turuan Sila ng Financial Independence
Ang tunay na pagtulong sa pamilya ay hindi ang pagbibigay ng isda araw-araw, kundi ang pagtuturo sa kanila kung paano mangisda. Kung may mga kapatid o anak ka na nasa hustong gulang na at may kakayahang magtrabaho, hikayatin silang maghanap ng mapagkakakitaan sa Pilipinas upang hindi sila maging 100% dependent sa iyong padala. Ipaalala sa kanila nang may pagmamahal na ang buhay sa abroad ay may katapusan, at hindi habang buhay ay malakas ka para magtrabaho.
Protektahan ang Iyong Ipon at Pamilya Kasama ang BCRemit
Ang pagtatakda ng financial boundaries ay nangangailangan ng tamang tool na sumusuporta sa iyong mga desisyon. Narito ang BCRemit upang maging katuwang mo sa pagpapatakbo ng iyong matalinong financial plan.
Gamit ang BCRemit app, maaari mong i-segregate ang iyong mga padala nang may buong kontrol at transparency. Sa halip na magpadala ng isang malaking cash lump sum na madaling magasta, maaari mong gamitin ang aming real-time digital routing rails upang direktang pondohan ang mga specific digital wallets (gaya ng GCash at Maya) o bank accounts na nakalaan lamang sa mga partikular na gastusin tulad ng emergency fund o grocery allowance.
Dahil sa aming napakababang transfer fees at sagad sa taas na exchange rates, mas malaki ang natitipid mo sa bawat transaksyon—mga pisong maaari mong i-save nang direkta para sa iyong sariling kinabukasan at retirement fund. I-download ang BCRemit app ngayon sa iyong smartphone at simulan ang pagpapadala nang may sistema, proteksyon, at kapanatagan ng loob. Sa BCRemit—Mabilis, Sulit, at Siguradong Dumarating!
Subscribe to our Newsletter
Our Global Presence
🌐 Online Services Available Open 24/7
-
Sunday: Open 24 hours
-
Monday: Open 24 hours
-
Tuesday: Open 24 hours
-
Wednesday: Open 24 hours
-
Thursday: Open 24 hours
-
Friday: Open 24 hours
-
Saturday: Open 24 hours